Friday, April 26, 2013

I FEEL LOST. AND MISERABLE.

I just feel down and so lost at the moment. And so miserable.

I failed again. Pinaghirapan kong mag-aral ng 5 months, pero anong napala ko? Nauwi sa wala yung pag-gising ko ng maaga para mag-aral lang. Yung tiniis kong mga sermon ni daddy at mga utos ni kuya. Yung isang kaklase ko, 1 linggo lang sya nag-review, pero siya pa ang naging conditional sa isang subject.

Limang buwan. Actually sampung buwan ko ng inaaral tong apat na subjects na to. Lahat ng pagod, iniyak at pawis na ginawa ko sa nakalipas. Wala. Ganun lang. At ganun kasakit. Mapapaisip ka na lang sa isang point ng buhay mo, ang sakit, saan ba ako nagkulang? Saan ba lagi? Kulang ba ako sa aral? Kulang ba ako sa dasal? Kulang ba ako sa pagiging mabait? Saan?

Ewan ko. Di ko kayang maging masaya dahil sa paghihirap ko, wala pa ring napala.  WALA. ZERO.

Gusto kong balibagin lahat ng mga binasa ko, lahat ng mga tanong na pinagtiyagaan kong basahin, lahat ng mga sinolve ko at inintindi ng mag-isa. Dahil wala akong kwentang tao. Gusto kong punitin, sunugin at itapon.


Tinalo pa ako ng 1 week before na aral.

I'll leave you a song that's so right for this moment.

~Derrick

/ragequit